nung magluto ako ng itlog…
Posted June 7, 2009
on:bwehehe. everybody knows i don’t cook very well. eh malakas trip ko dahil sa dinami dami ng problema ng mundo, hindi ko na alam kung san magsisimula. ayun, i decided to cook some eggs. chef melai in the house! o heto…
piniritong itlog ala melai
step 1: siyempre go get some eggs. haller! kindly choose the cute ones ha… like these o. kapag hindi cute, ibang itlog na yan. hehehe.
step 2: put oil in the pan. unti lang on a non-stick pan ha (non-stick na binili ko, alam nyo naman kung baket eh. come to think of it, non-stick pala lahat ng panluto ko. bwahahaha)
step 3: palanguyin ang itlog sa pan. siyempre dapat basag na yung itlog. sorry itlog. hahaha. i got my egg molders from fredflare.com.
step 4: kalabanin ang mantikang tumatalsik. kailangang mejo ninja ka dito. please add a bit of salt too… yung tama lang sa panlasa. pero yung pagmamahal, kailangan madaming madami!
step 5: hanguin ang wasak na itlog at ilagay sa plato. tapos lamunin.
meron pang heart version yan, see here. and that ladies and gentlemen… is how i like my eggs. walang magrereklamo! no frontin’ dun even!
yun lang.
♥ melai
2 Responses to "nung magluto ako ng itlog…"

[…] mura lang niya… less than a hundred pesos! hahaha. mejo mas sira pa ako noon eh, i had some egg molders shipped from the states. just because… […]

June 22, 2009 at 4:10 pm
eto na naman ‘tong panghulma mo ng itlog! hmp! :))
siguraduhin mong tataba ka kapag heart-shaped at star-shaped ang itlog na kinakain mo ha…=P