melaikick

Archive for March 2009

kasi naman miming, pwede namang “junk food” baket “sitsirya” pa? ahahaha. define sitsirya… consists of sola, yung iced tea. di ko gets kung bakit nila binabawal sakin eh healthy naman ang tsaa… (fatawad sa grammatical error. lolz); chocolate and; junk food, hay basta maalat o may asukal.

nakakatuwa ang mga kaibigan ko, dahil sa gusto nila akong gumaling, binabawalan nila akong kumain ng junk food. halos araw-araw, hindi nawawala yung “melai, sola ka pa?” which i really appreciate anyway. sabi ko nga, mag-iingat na me. hihi. proves that the guys love and care for me too…

sa mcdo

cashier > ano pong drinks?

melaikick > iced t…

marshey > masama tingin

miming > (sabay tuktok sa ulo ni kick) magpineapple ka nalang!

the oinkers gave me a gift pala, para kayong sweet ham. bwaahahahaha. one bottle of paper stars in yellow and black… may mga messages of course, kaya lang nakalabas na ko ng ospital. lolz. but i really appreciate it, napaluha nyo ko! heto o…

a gift from the oinkers …


“psst! oto in! no need for words. lam mo na – gaki”…  pangit pa din sulat mo… auto in na nga po eh. hahaha.

“melai! pagaling ka! miss ka na namin sa mod chat” … di ko alam kung sinong sumulat neto, di ko mabasa yung pangalan, huhu. pero thankshu thankshu, whoever you are.

“melai, get well soon! miss ka na namin! – ace” … aaaaay! tito beh beh na ba itatawag ko sa inyo? mano po dadi, salamat!

“dear melai, i miss you baby sister. swarla! – lea =)” … thanks mod! i labshu tuuu. shworla!

“melaicious! get freakin well… – ari” … kuya ari, ano ba yung melaicious? melai + delicious? hehehe. almost freaking well, kuya…

“melai! i miss you! pagaling ka. we’ll make dalaw soon! mwah! – cha” … cha, nakalaya na ko. hehehe. parang preso lang ah. mishu too cha!

“shobe, miss you! get well soon! hope to see you!” … ahia, tosha, le ai di! na i tien pu xang ni.

“melai! pagaling ka agad. kain ka ng marami & dnt forget to drink your vitamins. we mishu! – jamie” … (sfx: eeeeeee) thanks jamie. vitamins palang ulam na!

“oist melai pagaling ka na… kelangan ka na dito… hehe… punta ka sa shower party ha. tekker! – mel and beth” … congrats po sa baby! ako din ninang! ahihi. tekker!

“dear melai, hey sweetheart! magpagaling ka a! kaya mo yan! alam mo, nami-miss ka na namin. we are praying for you love. well, ang magandang bagay sa pagpapahinga mo ngayon e hindi mo kailangan kumausap ng mga idiot na cust. lol. have fun sa pagpapahinga at kung nappagod ka pray ka lang. andito rin kami para sayo! =) mwahugs! love, li-chan” … ang haba li-chan. lolz. at napagkasya mo yan sa isang strip ng papel na sobrang liit. ur the best peony lady. mwaaah!

sino bang hindi maiiyak nyan. thanks guys. sola sola sola. update with pic soon!

yun lang.

♥ melai

Advertisements

this is one of the lowest points in my life… kasalanan ko din. alam kong patpatin ako at mahina ang resistensiya, laging may ubo at nagpupuyat (although, hindi naman maiiwasan ang puyat, call cenner eh). i will never know where i got pneumonia, bottom line is, pinabayaan ko ang sarili ko… o later na ang drama, ito na ang istorya…

the week before… first day ng up fair, wala pa kong tulog noon, pero i agreed to join my bestfriend, his girlfriend, and his cousin there. habang nagjajamming na, i noticed pain on my left side, pero pinabayaan ko lang. haller, jamming nga sa up fair chervams. paggising ko kinabukasan, sobrang sama ng pakiramdam ko. nilalagnat na ko, but i ignored it.

pagpasok ko sa office, hehe, bangagers. second day sa office, kinaya ko pa. third day, i started having difficulty breathing. everyday, the pain on my left side increases. fourth day, tiniis ko lang kasi natatakot ako sa boss ko. fifth day, sobrang taas na ng lagnat ko, sobrang grabe ng ubo, hindi ko na kinaya.

noong off days… dahil na din sa sakit na nararamdaman ko sa kaliwang gilid ng katawan ko, i decided to get a check up.

doc >may boyfriend ka ba?
melaikick >wala po…
doc >wag mo munang hahalikan, baka may tb ka…
melaikick >wala nga po…
doc >basta wag mo munang hahalikan.
melaikick > -_-

the doctor asked me to get an x-ray… tapos nalaman namin na meron akong pleural effusion. sabi nung duktor, tubig daw yun sa lungs. nirefer nya ko sa duktor sa ‘pulmo’ pero wala yung duktor na yun that day.

well, kung may tubig ka nga naman sa lungs, malamang hindi maganda ang pakiramdam mo. sabi nung duktor sa office, dadalhin na nila ako sa ospital. that was the time i realized the gravity of the situation. my left lung wasn’t working properly anymore. which explains the pain on my left side and why i could not breathe and why it felt heavy. i was really sick.

day one… the office nurse accompanied me to feu nrmf medical center’s emergency room. they x-rayed me three times and they found out i had around about 1.5 litres of water on my left lung. parang coke lang noh? which was bad of course, and i had to be admitted to the hospital. umiyak nalang ako sa dami ng attempts nila na lagyan ako ng suero… first day palang yan ha… they placed me first on a semi-private room, to my annoyance, last day na nung kasama kong patient sa room na yun. hahaha.

day two to ten… nilipat nila ako sa private room… halos masiraan ako ng bait sa ospital. para akong presong di mapakali. ang preso, pinaparusahan… heto mga tortures saken…

1. antibiotics – para silang tongue twister… tazocin, amikacide, albumax… hehe, twisted din ang wallet mo. meron akong antibiotic na ten thousand per 100 mL vial. lasang gamot na ako at isa na din akong durugista. hahaha. magandang negosyo, miming?

2. blood pressure check – akala ko dahil nasa ospital ako, makakapagpahinga ako. hehehe. para na din akong nagtratrabaho dahil every hour, on the hour, they check my blood pressure. once, iniyakan ko nalang yung duktor na nagbp sakin, pero wala siyang pakialam basta ma-bp nya ako ng alas tres ng madaling araw. hahaha.

tapos, ang mga duktor na nagbp, marami din namang ibang pasyente ang bini-bp. so… palakad lakad sila diyan sa tabi-tabi at pagdating nila sayo, amoy pawis na sila. bwaahahahaha. meron namang isang babaeng duktor, para siyang amazona, halos matangal yung braso ko sa pag-bp nya. sa buong stay ko sa ospital, 120 times akong na-bp, yan yung nasa chart ko pero meron pang mga hindi narecord.

at siyempre, dahil wala akong magawa… heto, inisipan ko ng meaning yung b.p. – bading na pating, bilog na piso, babaeng pumikot, blankong papel, blue na panty, baboy na payat, banana peel, bankang papel, baboy na pink, bored na pasyente, beri pani. lolz. kung meh idadagdag kayo, just email me.

3. dextrose – dahil dito hindi ako makaramdam ng gutom, pakiramdam ko busog na busog ako at halos oras oras, kailangan kong magwee-wee. nakaubos siguro ako ng mga 16 na dextrose.

4. food tray – dahil nga nakadextrose ako, wala akong ganang kumain. at sa buong stay ko sa ospital, puro isda ang nasa tray… wala naman akong problema sa isda pero yung isda na pinapakain nila sobrang malansa. once, nagpabili ako ng kfc, dahil pati side dish… isda! lolz.

5. injection – ang daming beses kong natusok ng karayom, more or less 30 times. sa suero palang… hirap na hirap silang humanap ng ugat sakin na hindi pumuputok. kapag cbc naman, hindi lang isang braso ang kinukuhanan ng dugo. at sa dami ng antibiotics ko, puro skin tests at sulat ng ballpen ang braso ko.

6. input and output chart – gusto nila sukatin kung gaano kadami akong uminom ng tubig tsaka kung gaano ako kadami magwee-wee. anak ng tokwa, bago ako makalabas ng cr, check ko muna kung ilang mL ang wee-wee ko. hindi siya nakakaenjoy gawin… pramis.

7. nebulizer – dapat kapag nagnenebulize, mas nakakahinga ka. baket ako hindi? at kahit madaling araw inenebulize ka nila. yun bang tulog ka tapos gigisingin ka para pausukan. hindi po ako tinapa. hehehe.

8. student nurse – kadamihan sa kanila hindi alam ang gagawin. hahaha. uulit-ulitin ang pag-bp sayo, gagalawin nila yung suero mo, dami nilang tatanong sayo… minsan hindi related sa sakit mo. in short, gagawin ka nilang school report. lolz. kaya naman two days palang, nagrequest na ko na wag akong bigyan ng student nurse.

9. the nurse – madaming nurse na mag-aatend sayo, hindi naman pwedeng isa lang. pero meron talagang isang nurse na ayaw ko talaga. wala siyang emosyon, para siyang robot kung kumilos pero kapag nagsasalita sobrang liit ng boses… yung kikilabutan ka. hahaha. at pinalipat pa nya yung suero ko. melaikick! sapul kang nurse ka!

the nurse >ma’am nahihirapan ho ba kayong huminga?
melaikick >hindi
the nurse >gusto nyo po ikabit natin yung oxygen?
melaikick >erm… hindi nga ako nahihirapan huminga…

10. thoracentesis – the grand hoobah. eh ayaw matanggal nung tubig sa baga ko, kailangang i-manual-tanggal. hindi naman siya masakit, mejo sasaksakan ka lang naman ng syringe na mataba at kasing laki ng ruler.

first time ko i-thoracentesis
melaikick (lasing sa anaesthesia) >ano po yan?
doc >yan yung tubig sa lungs mo (kulay pink, may kasamang dugo)
melaikick >ganda ng kulay
doc >parang four seasons, noh?
after nilang tapalan yung likod ko…
melaikick > -_- haizz
respiratory therapist >daming nakuhang tubig sayo… parang iced tea!
melaikick > -_- haizz

second time ko i-thoracentesis, this time by the ultrasound doctor
doc >o ikaw na naman?
melaikick >ngiti lang…
doc >anong flavor yung dati?
melaikick >four seasons at iced tea daw po…
after nilang tapalan yung likod ko…
doc >o pineapple flavor naman to ngayon!

bwahahahaha. mga duktor ko sira din eh.

11. ultrasound – sobrang lamig dito… ito ang narnia ng feu.

12. wheelchair – bawal maglakad ang pasyente eh. (kaya pag-uwi ko naistress yung legs ko, hahaha)

si kuya na tagatulak ng wheel chair… napagusapan ang pag-aasawa, tawagin natin siyang ‘kuya wheelchair’, para cute…
melaikick >pwede na po akong mag-asawa, pero wala pa
kuya wheelchair >huh? hindi ka pa pwedeng mag-asawa, baby ka pa…
melaikick >??? pwede naman po
kuya wheelchair >ilang taon ka na ba?
melaikick > 23 po
kuya wheelchair >ay akala ko high school ka palang…
melaikick > -_-‘’’

13. x-ray – ang lagi naman nilang tanong dito eh kung meh suot kang bra. hahaha. tapos, sisigawan ka nung radiologist na huminga ng malalim. tapos, tapos na.

day eleven… out of sheer boredom at dahil pinatanggal na yung dextrose ko at libre na yung kamay ko, i started this drawing… hehehe. enjoyin nyo nalang. wala akong pictures sa post na to… at baket naman ako magpipicture? ang panget panget ko sa ospital.


if ye wanna see the details, please go to http://moonmirae.multiply.com/photos/album/33/siksikan…#5

2 effin weeks… yung hospital bill ko lampas langit na. bago ako magrequest madischarge, the doctor told me that if my cbc and x-ray were better then i could go home.

day fifteen… nakipagiyera muna ako sa billing sa tulong ng mga armamento ng mga kaibigan ko… sa wakas! nakalabas din sa feu.

sorry na ha, but i learned… mahirap maospital, sabi ko sa bantay ko, kapag labas ko magbabagong buhay na ko. (o diba, presong-preso ang dating ko) aalagaan ko na yung sarili ko. i’ll take vitamins and do monthly check-ups. at pramis, minsan nalang ako magsosola. *wink wink*

…in times like these, you’d know who really cared. yung aalamin kung ano na ang kalagayan mo, magpupumilit kang puntahan at tawagan, malaman lang kung ok ka. sorry guys kung ayaw ko masyado ng bisita, minsan hindi kasi masyadong maganda pakiramdam ko.

thank you so much to my noobcakes, li-chan, jamie (sfx: eeeeeeeeeeeeeeee), kumareng au, mami meloi, debed, and macie (kahit ayaw mo pabanggit, bwehehehe.) at sa lahat ng tumulong sakin.

o ano melaikick? masarap huminga diba? kahit meh naiwang pang tubig sa lungs mo auto in ka na!

yun lang.

♥ melai


Tweet Tweet

Notice

currently rebuilding my blog... because multiply is gone forever and most of the pixxors are still linked there. fight-o!

i've coded and recoded and recoded again... but everything looks like a mess with internet explorer. grrrrr. oh guys, let's just use firefox. lollerz. ^.^Y

enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 18 other followers

Frequently Asked Questions

1. i can't understand some of the words or sentences...
...this blog is written in what we filipinos call taglish. a combination of filipino (tagalog) and english. my language teachers back in college and high school would hate me. nyahaha. there are times when i rant in korean (hangugo) too...

2. you don't look filipino...
...ehm?! no i am not egyptian or arabian. grabe naman!...

3. you focus a lot on noobcakes. what are they?
...they are actually people. my bestfriends. they are what makes life, with all the hurdles and strains, easier and happy. i'm sure you have your own "noobcakes"too...

4. what's a miming?
...hahaha! it's a code name actually for one of my noobcakes. it means 'cat' or 'kitty'...
4.1 kung meh rabbit at miming, ano ka?
...eh di pet owner! lolz...

5. what's "yun lang..."?
...it means "that's all..." in filipino...

6. cindermelai?
...it's cinderella plus melai. i kind of have a penchant for shoes tapos i feel like her when doing house chores. lol...

7. need something designed?
...you can email me at caramelai.apple@gmail.com...